Sa mahigit 7,600 na mga isla sa Pilipinas, hindi nakapagtatakang mayaman ito sa samut saring wika at kultura. Sa katunayan, may tinatayang 180 na lenggwahe sa bansa (; ). Ang araw na ito ay isang oportunidad upang mapalawig at mapaunlad pa ang edukasyon at pagkatutong multilinggwal o mas kilala bilang Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE). Bilang eksperto sa komunikasyon, tayong mga speech language pathologists (SLPs) ang isa sa mga tagapagtaguyod nito sapagkat ang bawat pasyenteng nakikinabang sa ating serbisyo ay may natatanging karanasan, pinanggalingan, at sariling wika. Sa ngayon, nangangailangan pa ng malawak na kamalayan at mga kagamitan para ganap na maging buo ang edukasyong multilinggwal sa mga paaralan at sa bawat komunidad. Ipinagdiriwang ng UNESCO ngayong ika-21 ng Pebrero ang International Mother Language Day na may temang Paggamit ng teknolohiya para sa edukasyong multilinggwal: Mga pagsubok at oportunidad (Using technology for multilingual learning: Challenges and opportunities). Kinikilala ngayong araw na ito ang papel ng teknolohiya sa pagsusulong ng edukasyong multilinggwal at paglago ng kalidad na edukasyon at pagkakatuto.
Sa pagdiriwang ng araw na ito, maaaring pag-isipin ang tanong na: Bakit mahalagang itaguyod natin ang multilinggwal na pagkatuto bilang mga SLPs at bilang mamamayang Pilipino?
Ang bilinggwal/multilinggwal na pagkatuto at pagbibigay-serbisyo
Sa dami ng mga lenggwahe sa bansa, ang pagpapahalaga sa multilinggwal na pagkatuto ay paraan upang palaganapin ang pagtanggap at paggamit ng mga ito. Lahat ng indibidwal ay may karapatan sa pagkaunawa at pagpapahayag ng sarili (; ). Kung lilimitahan natin ang komunikasyon sa mga opisyal na wika lamang, hindi mabibigyan ng hustisya ang iba pang mga wika at tagapagsalita nito na mayroon din namang natatanging kultura at identidad. Ang mga ito ay importanteng konsiderasyon sa pagiging sensitibo sa kultural at lingguwistikong pangangailangan ng bawat indibidwal. Gayundin, ang pagkakaroon ng mahigit sa isang wika ay nakabubuti sa pagpapalawak ng perspektibo at mga konsepto ng mga bata habang lumalaki sapagkat may paglilipat ng mga karanasan at kaalaman mula sa pangunahing wika papunta sa pangalawang o iba pang wika na mayroon sila (; ).
Bagaman kanais-nais na pangarap ang makapaghatid ng serbisyo sa karamihan ng nangangailangan nito, kakaunti tayong mga SLPs na maaaring may kaalaman sa wikang natatangi sa isang indibidwal o bata kumpara sa bilang ng mga na nangangailan ng serbisyo sa kanilang natatanging lenggwahe. Dahil sa sitwasyon na ito at dahil sa karamihan din ng populasyon natin ay bilinggwal o multilinggwal, mahalaga ang papel at partisipasyon ng pamilya sa terapi (). Gayundin, mahalagang punan ang mga kakulangan sa kaalaman at kamalayan ng publiko. Ilan sa mga napag-usapan ay ang pagpapahalaga sa karapatang pangkomunikasyon sa pamamagitan ng pagiging sensitibo sa kultural at lingguwistikong karanasan ng bawat indibidwal, at ang benepisyo ng pangunahing at pangalawang wika sa des-arolyo o development ng isang bata. Lalo na sa panahon ng pandemya kung saan madalas nasa bahay at halos online ang nagiging interaksyon kasama ang iba, ang pagtangkilik sa pangunahing wika ng pamilya at ng bata ay importante upang bumuti ang language development ng bawat bata o ang kakayahan nilang makipag-usap at makipag-ugnayan sa ibang tao.
Bilinggwal/multilinggwal na lipunan sa mata ng teknolohiya
Alinsunod dito, isa sa mga kailangang tugunan ay kung paano maisusulong nang mabisa ang multilinggwal na pagkatuto sa ganitong uri ng setup. Masasabi natin na ang kasagutan ay mababatid sa pamamagitan ng tatlong mahahalagang aspeto. Una, ang pagpapalawak ng kaalaman ukol sa wika bilang karapatang pantao; ikalawa, ang pagbibigay ng inklusibong impormasyon sa publiko; at pangatlo, ang pagsasanay na maging sensitibo tuwing nakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ilan sa mga magpapalawak ng ating kaalaman ay ang pagbabasa ng mga dokumento katulad ng at . Ipinauunawa nito na ang wika ay isang karapatang pantao anuman ang gulang, kultura, at komunikatibong kapasidad. Kapag sapat na ang ating panglingguwistikong kamalayan at kaalaman, makagagawa tayo ng mga kongkretong aksyon tungo sa pagsuporta ng multilinggwal na pagkatuto at makapagbibigay tayo ng mahahalagang impormasyon sa publiko gamit ang ibat ibang wika o diyalekto ng bansa. Isang magandang halimbawa ay ang nalikhang produkto na (CNN Philippines, 2020) ng UP Manila College of Allied Medical Professions kung saan ang mga batang Pilipino ay natuturuan tungkol sa COVID-19 gamit ang ibat ibang lenggwahe ng Pilipinas. Sa pagbabasa rin ng mga nasabing dokumento ay nagiging mulat tayo sa kanya-kanyang pinagmulan ng ating mga kliyente, gayundin ng kanilang pamilya, at maaayon natin ang pakikipag-usap natin sa kanilang konteksto.
Hindi maipagkakaila na ang malawak na kaalaman sa multilingual learning ay epektibong pamamaraan ng pakikisalamuha. Nararapat lamang na bigyan ito ng masusing pansin hindi lamang dahil sa ito ay nakakatulong sa language development, kung hindi nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng kamalayan at pag-unawa sa karapatan at kahalagahang pangwika.
Sanggunian:
Cheng, W., Olea, T. & Marzan, J. (2002). Speech-Language Pathology in the Philippines: Reflections on the Past and Present, Perspectives for the Future. Folia phoniatrica et logopaedica : official organ of the International Association of Logopedics and Phoniatrics (IALP). 54. 79-82. 10.1159/000057920.
CNN Philippines [@cnnphilippines]. (2020, March 20). LOOK: The UP College of Allied Medical Professions (Community-Based Rehabilitation) creates an inforgraphics for children on #COVID19 available in different languages | @TristanNodalo [Tweet; thumbnail link to article]. Twitter. https://twitter.com/cnnphilippines/status/1240931417409773568?s=20&t=_zAUVVHUOWphT0qT3X2n1Q
Cummins, J. (2005). A Proposal for Action: Strategies for Recognizing Heritage Language Competence as a Learning Resource within the Mainstream Classroom. The Modern Language Journal, 89(4), 585592. http://www.jstor.org/stable/3588628
Eberhard, D.M., Simons, G.F., & Fennig, C.D. (eds.). (2021). Ethnologue: Languages of the world (24th ed.). SIL International. https://www.ethnologue.com/country/18-165
Enhanced Basic Education Act of 2013, Rep. Act No. 10533, (May 15, 2013) (Phil.), https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/Komisyon sa Wikang Filipino. (2016). Introduksiyon. https://kwf.gov.ph/introduksiyon/
Latorre, A., Rivera, A. K., Quitiquit, P., & Antonio, C. (2017). A Review of Policies Relating to Speech and Language Development of Children in the Philippines. Philippine Journal of Health Research and Development. (21)1, 48-53. https://www.researchgate.net/publication/330506385_A_Review_of_Policies_Relating_to_Speech_and_Language_Development_of_Children_in_the_Philippines
Lopez, D. (February 11, 2022) Personal Communication. Grammatical revisions.
Rosero, M. (February 18, 2022) Personal Communication. Suggested references and revisions.
Nolasco, Ricardo. For Comment: Revised MLE Primer. Multilingual Philippines, 22 Aug. 2010, mlephil.wordpress.com/2010/08/23/for-comment-revised-mle-primer/.
United Nations. (2006). Article 21. Convention on the Rights of Persons with Disabilities. Treaty Series, 2515, 3. https://www.un.org/development/desa/ disabilities/convention-on-the-rights-of-persons-with-disabilities/article-21-freedom-of-expression-and-opinion-and-access-to-information.html
United Nations. (1948). Article 19. Universal Declaration of Human Rights. https://www.un.org/sites/un2.un.org/files/udhr.pdf
Isinulat nina: Wincarylle Floresta, Patricia Llavore, Jana Sabado